-- Advertisements --

Wala nang direktang epekto sa bansa ang bagyong Bising kahit nasa loob pa ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa state weather bureau. 

Kaninang alas-kwatro ng umaga, nasa layong 405 km Northwest ng Itbayat, Batanes si Bagyong Bising. 

Ito ay may taglay ng lakas ng hangin na malapit sa gitna na umaabot ng 130km/h at pagbugso na umaabot ng 180km/h. 

Kasalukuyan naman itong gumagalaw pa-northeastboard sabilis na 25 km/h. 

Wala na ring nakataas na tropical cyclone wind signal at hindi na rin magdudulot ng mga pag-ulan si bising sa ating bansa. 

Gayunpaman, dahil sa patuloy na pag-iral ng hanging habagat, makararanas pa rin nang mataas na tiyansa ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon, western section ng Visayas, at Mindanao.