-- Advertisements --

Nakataas sa Signal No. 2 ang ilang bahagi ng Metro Manila at lalawigan sa Luzon dahil sa Bagyong Ramil. 

Ayon sa 5pm bulletin ng state weather bureau, 

napanatili ni Ramil ang lakas habang ito ay tumatama sa mga baybaying bahagi ng Alabat, Quezon. 

Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa  65 km/h malapit sa gitna at bugso na umaabot sa 90km/h, habang kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 25 km/h.

Nakataas sa Signal No. 2 ang northern portion ng Metro Manila kabilang ang mga sumusunod: 

-Caloocan City

-Malabon City 

-Quezon City

-Valenzuela City 

-Marikina City 

-Navotas City

Sa mga lalawigan sa Luzon, nakataas sa Signal No. 2 ang mga sumusunod: 

-Southeastern portion ng Quirino (Nagtipunan, Maddela, Aglipay)

-Central at southern portions ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castañeda, Dupax del Sur, Dupax del Norte, Bambang, Aritao, Kayapa, Santa Fe, Kasibu)

-Central at southern portions ng Benguet (Itogon, Bokod, Atok, Kapangan, Tublay, La Trinidad, Baguio City, Tuba, Sablan)

-Central at southern portions ng La Union (Rosario, Pugo, Tubao, Santo Tomas, Agoo, Aringay, Caba, Naguilian, Burgos, Bagulin, Bauang, City of San Fernando, San Juan, San Gabriel, Bacnotan, Santol, Balaoan, Luna)

-Pangasinan

-Aurora

-Nueva Ecija

-Bulacan

-Tarlac

-Pampanga

-Northern at central portions ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan)

-Northern at central portions ng Rizal (Rodriguez, San Mateo, City of Antipolo, Tanay, Baras)

-Northern portion ng Laguna (Santa Maria, Famy, Siniloan)

-Northern at eastern portions ng Quezon (General Nakar, Calauag, Tagkawayan, Guinayangan, Quezon, Alabat, Perez, Mauban, Real, Infanta, Atimonan, Plaridel, Gumaca, Lopez) kabilang ang Pollilo Islands

-Camarines Norte

-Northwestern portion ng Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot)

Nakataas naman sa Signal No. 1 ang  Cagayan Valley, Ilocos Region, Bicol Region, lMetro Manila (ibang bahagi), CALABARZON, MIMAROPA, at ilang bahagi ng Visayas.

Inaasahang tatawirin ni Ramil ang Southern–Central Luzon ngayong araw bago lumabas sa West Philippine Sea mamayang gabi o bukas ng umaga (Oktubre 20). 

Maaaring lumakas pa ito at maging severe tropical storm sa oras na makalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).