-- Advertisements --

Umabot sa 375 silid-aralan ang napinsala ng Bagyong Ramil (Fengshen) sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, ayon sa Department of Education (DepEd).

Sa bilang na ito, 201 ang may bahagyang pinsala, 56 ang matinding nasira, at 118 ang tuluyang nasira.

Napinsala rin ng bagyo ang 16 na pasilidad sa tubig at sanitasyon.

Ayon sa DepEd, 10,538 paaralan sa 113 divisions ang nasa banta ng pagbaha, habang 12,602 paaralan sa 103 divisions ang nasa panganib ng pagguho ng lupa.

Nakikipag-ugnayan na ang DepEd sa mga lokal na pamahalaan at Disaster Risk Reduction and Management Councils (DRRMCs) para sa paghahanda sa mga emergency response.

Inirekomenda rin ng ahensiya ang pag-activate ng School DRRMC teams, pag-secure ng kagamitan, at paglalagay ng emergency supplies.

Giit ng DepEd, patuloy nitong pinangangalagaan ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro sa gitna ng mga kalamidad