-- Advertisements --

Kinumpirma ng National Electrification Administration na aabot sa 49 na electric cooperatives mula sa 31 probinsya sa bansa ang apektado ng Bagyong ‘Ramil’.

Base sa datos ng NEA Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRMD), tatlong electric cooperative ang nagkaroon ng partial interruption ng serbisyo.

Ito ay ang BENECO sa Benguet, CAPELCO sa Capiz, at QUEZELCO 1 sa Quezon Province.

Patuloy ang pagsasaayos ng kuryente para sa 114,587 consumer connections na apektado sa mga nabanggit na electric cooperative.

Paalala ng NEA sa lahat ng distribution utilities na agad magpatupad ng mga contingency measures upang mabawasan ang epekto ng bagyo sa serbisyo ng kuryente.