-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang funk musician na si Sly Stone sa edad na 82.

Ayon sa pamilya na nito na hindi na niya nakayanan ang pakikipaglaban sa COPD at ilang mga sakit.

Siya ang nagpasikat ng mga kanta ng pop, funk, rock music.

Isinilang bilang si Sylvester Stewart sa Denton, Texas at lumipat sila sa Vallejo , California.

Walong taong gulang lamang siya at kasama ang tatlong kapatid ng magrecord sila ng gospel song.

Tinawag nila ang grupo nila bilang “Stewart Four”.