-- Advertisements --

Nagtipon-tipon ang nasa mahigit 1,000 mga fans ni iconic aktres na si Marilyn Monroe para sa kaniyang ika-100 kaarawan.

Ginaya nila ang sikat na kaanyuhan nito gaya ng pagsuot ng wig at dress na kulay puti.

Isinagawa ang pagtitipon sa downtown Palm Springs sa California.

Ang nasabing pagtitipon ay isa ring Guinness World Record sa may pinakamaraming pagtitipon ng mga tao na nakasuot ng ala-Marilyn Monroe.

Nahigitan nila ang unang record na mayroong 254 na ginanap sa Australia noong 2020.