-- Advertisements --

Nakumpleto ng isang dancer mula sa Nigerian ang pagsasayaw ng walang tigil sa loob ng pitong araw.

Layon nito ay makamit ang world record na may pinakamaraming araw na walang tigil na pagsasayaw.

Si Benjamin Daniel, o kilala bilang si “Ben Dancer” ay hindi pa tumigil matapos na makamit ang 168 oras na pagsasayaw dahil pinalawig pa nito ng hanggang siyam na oras.

Natanggap na ng Guinness World Records ang aplikasyon ni Daniels para sa nasabing titulo.

Sa kasalukuyan kasi ay mayroong 127 na oras ang naitalang record na isang indibidwal ang walang tigil na pagsasayaw.