-- Advertisements --
Nailibing na si Ateneo Blue Eagles center Divine Adili sa kaniyang bayan sa Umueri, Nigeria.
Makikita sa video sa social media ng kaniyang tiyahin na si Nwozor-Mabia Ogonna Grace na nakasuot ang mga kaanak niya ng damit na may mukha niya sa harap at numerong 14.
May bitbit pa ng larawan ni Divine ang nakakabatang kapatid nito.
Nagpadala rin ang Ateneo de Manila University para tulungan ang remains ni Adili sa Nigeria.
Magugunitang nasawi si Adili kasama si Rene Baterbonia matapos ang naganap na team building sa Aurora noong Hunyo 8.















