-- Advertisements --

Pasok sa finals ng iba’t ibang kategorya ng 2026 KBP Golden Dove Awards ang 11 entry ng Bombo Radyo Philippines.

Kabilang sa mga nominado ang Bombo Radyo Iloilo para sa Best AM Radio Station – Provincial, Star FM Manila para sa Best FM Radio Station – Metro Manila, at Star FM Bacolod para sa Best FM Radio Station – Provincial.

Nominado rin sa Best Newscast – Metro Manila ang Bombo Network News, habang ang Bombo Radyo Cagayan de Oro at Bombo Radyo Iloilo naman ay pumasok sa Best Newscast – Provincial.

Pumasok din sa Talaan ng mga Pinalista ang Bombo Radyo Cebu para sa Best Special Program, Bombo Radyo Koronadal para sa Best Sports Program, at Star FM Baguio para sa Best Public Service Announcement. Samantala, itinanghal ding finalist ang Bombo Radyo Roxas at Star FM Baguio para sa Best Radio Station Promotional Material.

Kapansin-pansin na may mga kategoryang magtatapat ang mismong mga istasyon ng Bombo Radyo at Star FM. Kabilang dito ang Best Newscast – Provincial kung saan maglalaban ang Bombo Radyo CDO at Bombo Radyo Iloilo, pati na ang Best Radio Station Promotional Material na paglalabanan ng Bombo Radyo Roxas at Star FM Baguio.

Patunay ang mga pwestong ito sa patuloy na pagsisikap ng mga istasyon ng Bombo Radyo at Star FM na maitaguyod ang kahusayan sa pagbabalita at paghahatid ng serbisyo-publiko sa buong bansa.