Reading Time: 1 minute
TEAM USA
Team USA

Tinambakan ng Team USA Basketball ang Czech Republic 88-67 sa kanilang paghaharap sa FIBA World Cup.

Bumida sa panalo ng Team USA si Donovan Mitchell nagtala ng 16 points habang mayroong 14 points si Harrison Barnes.

Nag-ambag naman ng 13 points si Kemba Walker habang mayroong 10 points si Jayson Tatum.

Mula sa unang quarter ay hawak ng USA ang kalamangan at hindi na hinayaan pa na makalamang pa ang Czechs.

Pinaglaro lahat ni coach Gregg Popovich ang 10 manlalaro.