-- Advertisements --
Naniniwala si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na makakapaglaro na si naturalized player Justin Brownlee.
Ito ay matapos ang paggaling niya mula sa injury.
Ayon kay Cone , na mahalaga na makasama nila si Brownlee para sa FIBA Asia Cup sa darating na Agosto 5-17 sa Saudi Arabia.
Sa mga susunod aniya na araw ay sisimulan na rin nila ang pag-eensayo para sa nasabing torneo.
Hindi naman nababahala si Cone dahil sa kilala niya si Brownlee na mayroong disiplina sa kaniyang kalusugan.
Ilan sa mga plano din nila ay pagkakaroon ng mga friendly games para mahasa pa lalo ang koponan.