-- Advertisements --
Umangat na ang ranking ng Gilas Pilipinas Women’s 3×3.
Base sa inilabas ng FIBA women’s 3×3 world ranking nasa pang-14 na ang Gilas Pilipinas Womens’.
Naging susi sa pagtaas ng ranking nila ay noong talunin ang Taipei 21-14 sa FIBA 3×3 Youth Nations League na ginanap sa Doha, Qatar.
Pasok na rin ang koponan sa FIBA U23 World Cup na magaganap sa buwan ng Setyembre.
Nananatiling nasa unang puwesto pa rin ang bansang the Netherlands.