-- Advertisements --

Tiwala ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na makakasama pa rin nila ang naturalized player na si Justin Brownlee sa FIBA Asia Cup.

Sinabi ni SBP president Al Panlilio na nagkaroon na ng magandang resulta ang naging notice of adverse analytical finding ng FIBA.

Bagamat wala pang opisyal na pahayag ang FIBA ay naniniwala sila na mapapayagan na rin si Brownlee na makapaglaro.

Paglilinaw naman ni SBP executive director Erika Dy na patuloy ang ginagawang pakikipag-ugnayan ni Brownlee kasama ang abogado nito ukol sa nasabing kaso.

Magugunitang pinaghahandaan na ng Gilas Pilipinas ang paglalaro sa FIBA Asia Cup sa buwan ng Agosto na gaganapin ito sa Saudi Arabia.