-- Advertisements --
Opisyal ng sumama sa praktis ng Gilas Pilipinas si Quentin Millora-Brown.
Naghahanda kasi ang Gilas Pilipinas para sa window 2 ng FIBA Basketball World Cup 2027 Asian Qualifiers na magsisimula sa Pebrero 26.
Itinuturing ni Gilas coach Tim Cone na isang malaking tulong si Millora-Brown dahil sa kawalan ni Kai Sotto na hindi makakasama matapos ang pagpapagaling mula sa injury.
Dagdag pa ni Cone na sa mga susunod araw ay ilalabas nila ang final 12 na manlalaro na sasabak sa nasabing torneo.
Unang makakaharap ng Gilas Pilipinas ang New Zealand sa Pebrero 26 at ang Australia sa Marso 1 na kapwa gaganapin dito sa bansa.















