Magsisimula sa araw ng Lunes, Hulyo 7, ang gagawing ensayo ng Gilas Pilipinas para sa kanilang paghahanda sa 2025 FIBA Asia Cup.
Ayon kay Gilas coach Tim Cone, na ang orihinal sana na pagsisimula ay noong Hunyo 30 subalit nagkaroon ng ilang aberya kaya minabuti nilang simulan na ito ng Hulyo 7.
Magsasasagawa sila ng lingguhang ensayo kung saan hanggang sa katapusan ay inaasahan na makukumpleto na ang mga manlalaro.
Bilang bahagi ng kanilang paghahanda ay ang send-off friendly match laban sa Macau Black Bears sa darating na Hulyo 28 sa Araneta Coliseum.
Sinabi naman ni Samahang Basketbol ng Pilipinas President Al Panlilio na may malaking tulong para sa men’s nationa basketball team ang mga tune-up games mula sa ibang bansa.
Makakaharap kasi ng Gilas Pilipinas ang New Zealand, Chinese Taipei at Iraq sa group stage na magsisimula mula Agosto 5 hanggang 17 sa Jeddah, Saudi Arabia.