-- Advertisements --
Muling nakapagtala ng phreatomagmatic burst ang Taal volcano ngayong araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ito bandang alas-10:39 ng umaga.
NAkapaglabas ito ng 6,405 tonelada ng sulfur dioxide at may plumes namang may taas na 1,500 metro patungong timog-kanluran.
Wala namang naitalang volcanic earthquake sa nakalipas na 24 oras.
Sa ngayon, nakataas pa rin ang alert level 3 sa bulkang Taal.
Maglalaan naman ang Phivolcs ng dalawang linggo na walang malaking volcanic activity bago tuluyang ibaba ang umiiral na alerto.