-- Advertisements --
Pormal ng pinalitan ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan si Sen. Robin Padilla bilang chairperson ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.
Ito ay matapos na aprubahan ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang mosyon ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito sa plenary kung saan walang kumontrang mga senador.
Si Pangilinan na isa ring abogado ay pinanumunan na niya ang nasabing committee noon.
Sinabi ni Pangilinan na ang konstitusyon ay mula sa mga tao at ang sinumang nais na baguhin ito ay kailangan sumailalim sa masusing proseso.
Una ng naghain si Padilla ng resolution na humihiling ng pag-rebisa ng 1987 Constitution sa pamamagitan ng constitutional convention.