-- Advertisements --
Pinag-aaralan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang petisyon na provisional fare increase na inihain ng mga transport group.
Ayon kay LTFRB chairman Atty. Teofilo Guadiz III, na mahalaga ang pag-aaralang mabuti ang nasabing petisyon para maging patas at resonable sa lahat.
Tiniyak niya na papakinggan nila ang lahat ng panig bago ang paglabas ng desisyon.
Magugunitang naghain ang grupong Pasang Masda ng dagdag na P1 provisional fare increase dahil sa patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.