Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Judiciary Fiscal Autonomy Act na inaasahang lalong magpapatibay sa awtonomiya sa hanay ng Hudikatura.
Sa naging talumpati ng Pangulo sinabi nitong sa pamamagitan ng kalalagda lang na Judiciary Fiscal Autonomy Act ay mas magiging episyente at mas malaya ang operasyon ng Hudikatura.
inihayag ng Pangulo na sa ilalim ng batas na ito, ang proposed budget ng Hudikatura ay direktang isusumite na sa Kongreso at isasama sa pambansang pondo nang kung paano ito binalangkas.
Dagdag ng Pangulo na sa ilalim ng bagong batas ay hindi maaaring bawasan ng lehislatura ang pondong nakalaan para sa Hudikatura.
Itinatakda din ng naturang batas na may kapangyarihan ang Chief Justice na dagdagan ang anumang item at baguhin, sa pamamagitan ng en banc resolution ang alokasyon ng pondo—ayon sa itinakda ng batas.
Sabi ng Pangulo Obligado naman ang Korte Suprema na mag-umulat kada tatlong buwan sa Sangay ng Ehekutibo at Lehislatura kung paano ginugol ng Hudikatura ang pondo nito.
ang dbm ay maaring hiwalay na magsumite ng kanilang komento at rekomendasyon sa budget proposal ng hudikatura.
kabilang sa sumaksi sa nilagdaang batas ay ang ilang miembro ng gabinete, senado kamara at korte suprema.