-- Advertisements --

Dinipensa ng Malakanyang ang naging presensiya ng dalawang US warships sa West Philippine na namataan malapit sa karagatan ng Zambales.

Ayon kay Palace Press Officer USec Claire Castro ang presensiya ng dalawang barkong pandigma ng Amerika ay naaayon sa international laws.

Walang kinalaman ang Pilipinas sa deployment ng US Navy sa kanilang dalawang barkong pandigma.

Namataan ang dalawang US warships ang USS Higgins at USS Cincinati nitong Miyerkules ilang araw matapos magbanggaan ang dalawang Chinese vessels sa bahagi ng Bajo de Masinloc dahil sa kahahabol sa barko ng Philippine Coast Guard.

Ayon kay Castro batay sa ulat ni Commodore Jay Tarriela ng Philippine Coast Guard nagsasagawa lamang ng freedom of navigation operations ang mga ito.

Gayunpaman, muling binigyang-diin ni USec. Castro na hindi nagpo-provoke ng away ang Pilipinas dumipensa lamang ito laban sa mga agresibong aksiyon ng China.

Iginiit din ni Castro na kailanman hindi aatras ang Pilipinas na protektahan ang sovereign rights nito sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Hindi na rin bago ang naratibo ng China na patuloy sa pagbabanta laban sa bansa.

Patuloy na naninindigan ang pamahalaan sa arbitral ruling na ipinagkaloob sa Pilipinas na siyang may  karapatan sa West Philippine Sea.