-- Advertisements --

Nakatakdang idulog ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang presensiya ng Chinese Navy Ship sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas partikular na sa bahagi ng Bajo de Masinloc.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo S. Brawner Jr., kaiangang talakayin ito kasama ang Pangulo dahil ibang usapin na aniya kung mayroon nang namataang presensiya ng Chinese warship sa West Philippine Sea.

Aniya, ang mga ilgal na presensiya na ito ay hindi dapat payagan dahil ito ay mga iligal na paglalayag at pangangamkam sa teritoryo ng Pilipinas.

Nakakaalarma din aniya na malaman ang naging pagbabago sa taktikang ito ng China para amang patuloy na guuhin ang kapayapaan at kaayusan sa West Philippine Sea.

Samantala, magugunita naman na nagkaroon ng banggaan sa Bajo de Masinloc matapos na subuking harangin ng Chinese Coast Guard vessel 3104 ang BRP Suluan ng Philippine Coast Guard (PCG).