-- Advertisements --

Napanatili ng Severe Tropical Storm “Gorio” ang kanyang lakas habang kumikilos ng mabagal sa Silangang bahagi ng katubigang sakop ng bansa.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,045 km East ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 110 km/h malapit sa gitna ay pagbugso ng hangin na umaabot sa 135 km/h.

Inaasahang mararanasan ang epekto ng bagyo sa susunod na tatlong araw.

Sa ngayon, maliit ang tsansa na mag landfall ito sa kalupaan ng bansa habang asahan na ang pagtataas ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang lugar sa Extreme Northern Luzon sa mga susunod na araw.

Batay sa kasalukuyang kilos ng bagyo, inaasahang lalabas ito sa PAR Wednesday ng gabi at tutumbukin naman ng bagyo ang Taiwan bago humina.

Sa ngayon, walang ibang sama ng panahon ang nasa loob at labas ng PAR.