Patuloy na pinananatili ng Severe Tropical Storm GORIO ang lakas nito habang kumikilos pakanluran sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay tinatayang nasa layong 1,170 km silangan ng Hilagang Luzon.
Hangin: 110 km/h
Bugso: 135 km/h
Bilis ng galaw: Pakanluran sa 25 km/h
Diameter: 280 km
Wala pang nakataas na babala ng bagyo sa alinmang bahagi ng bansa sa kasalukuyan.
Hindi inaasahang direktang tatama si GORIO sa bansa sa loob ng susunod na tatlong araw. Gayunpaman, kung magbabago ang direksyon nito pakanluran-timog, posibleng magtaas ng Signal No. 1 sa Hilagang Luzon.
Magdudulot ito ng katamtamang pag-alon (hanggang 2.0 metro) sa mga baybaying-dagat ng Hilagang Luzon.
Pinapayuhan ang mga mangingisda, lalo na ang gumagamit ng maliliit na bangka, na mag-ingat at iwasan munang pumalaot kung hindi bihasa o sapat ang kagamitan.
Inaasahang kikilos si GORIO pakanluran sa susunod na 24 oras, pakanluran-hilagang kanluran mula Agosto 12 hanggang Agosto 14, at hilagang kanluran sa mga susunod na araw.
Posibleng mag-landfall sa silangang baybayin ng Taiwan sa hapon ng Agosto 13 at lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) pagsapit ng gabi.
Maaaring umabot sa kategoriya ng bagyo (typhoon) sa loob ng 12 oras bago unti-unting humina.