-- Advertisements --
Siniguro ng DSWD na may sapat silang relief resources para sa mga maaapektuhan ng Bagyong Gorio.
Nakahanda ang ahensya ng ₱2.2 bilyong tulong, kabilang ang ₱150 milyong Quick Response Fund, upang dagdagan ang kapasidad ng mga LGU.
Higit sa 1.9 milyong food packs ang nakahanda sa mga warehouse, at patuloy ang produksyon para sa mga susunod pang kalamidad.
Naipamahagi na ng DSWD ang 2.1 milyong family food packs sa mga pamilyang naapektuhan ng habagat at mga bagyong Crising, Dante, at Emong noong Hulyo.
Patuloy rin ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng AICS at psychosocial first aid para sa mga vulnerable groups.