Bumilis pa ang bagyong Podul na nasa kategorya bilang severe tropical storm.
Namataan ito sa layong 1,680 km silangan ng Extreme Northern Luzon, at nasa labas pa ng Philippine area of responsibility (PAR).
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na 110 km/h malapit sa gitna at bugso hanggang 135 km/h.
Kumikilos itong pakanluran sa bilis na 25 km/h, at ang lakas ng hangin ay umaabot hanggang 280 km mula sa gitna.
Sa susunod na limang araw, mababa ang posibilidad na direktang maapektuhan ng bagyo ang panahon at karagatan sa bansa.
Inaasahang papasok ito sa PAR sa pagitan ng gabi at madaling araw bukas, at posibleng dumaan malapit o sa ibabaw ng southern Ryukyu Islands sa Miyerkules.
May uncertainty na pagbabago sa direksyon at lakas ng bagyo, kaya pinapayuhang patuloy na subaybayan ang mga susunod na abiso ukol sa Podul.