-- Advertisements --

Lumabas na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang Tropical Depression Kiko nitong Miyerkules ng hapon.

Namataan ang sentro nito sa layong 1,115 km silangan-hilagang silangan ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 km/h at bugso na umaabot sa 70 km/h.

Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 30 km/h patungong katimugang bahagi ng Japan.

Walang itinaas na tropical cyclone wind signal sa alinmang bahagi ng bansa.

Hindi na rin inaasahang magdudulot ng direktang epekto si Kiko sa kalupaan o karagatan ng Pilipinas.

Pinapayuhan ang publiko at mga lokal na awtoridad na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng pamahalaan.