Nilinaw ni Coleen Garcia nitong Biyernes, Pebrero 6, na ang isang page na nag-claim na ipinagtanggol niya ang kanyang anak na si Amari laban sa umano’y pambabatikos sa gender nito ay hindi sa kanya.
Batay kasi sa post ng page, sinagot umano ni Coleen ang mga komento ng ilang basher na hinuhusgahan ang gender ng kanyang anak dahil sa paghawak lamang ng bulaklak.
“This page is not mine,” ani Coleen sa isang Instagram story. Gayunpaman, sinabi niyang sumasang-ayon siya sa mensahe nito.
Sa isa pang Instagram story, sinabi niya na hindi niya sasayangin ang kanyang oras para ipaliwanag ang hilig ng kanyang anak sa mga hindi kilalang tao online.
“People who go out of their way to say something unkind about an innocent child who they’ve never even met… Can we all just pause to think seriously… what kind of person even does that?” post pa ni Coleen.
“It’s disgusting behavior. I would be more proud to have a gay friend or relative than to ever be associated with someone who bashes or gives unsolicited comments to strangers online regarding their children,” dagdag nito.
Ibinahagi rin niya ang pangarap niya na isang mundong tinatanggap ang mga bata kung sino sila nang hindi hinuhusgahan ng lipunan: “Seeing and appreciating the simple beauties of this world does not make you less of a man. Being gentle with God’s creations does not make you weak.”
Bilang ina ng mga lalaki, binigyang-diin niya ang kanyang pangako na lalabanan ang toxic masculinity sa kanilang tahanan at palalakihin ang mga bata na may kumpiyansa at malasakit: “I’ll never have full control over what happens outside our home or what other people think and say, but what I can do is give my boys a strong foundation that won’t easily be shaken—so that one day, when someone verbalizes their ignorance, they will know how to respond with self-confidence and grace.”












