-- Advertisements --

Ibinahagi ng aktres na si Coleen Garcia na isinilang na niya ang kanilang ikalawang anak ni Billy Crawford —isang baby boy na pinangalanang Austin —noong Agosto 17.

Ayon kay Coleen, inakala nilang magiging water birth ito sa St. Luke’s Medical Center, ngunit naging isang mabilis at di-inaasahang pangyayari ang aktwal na panganganak.

Kwento ng aktres habang nasa delivery room at papunta pa lamang sa kama, nakaramdam na daw siya ng urge na umiri habang nakatayo pa.
Sa ikalawang iri, lumabas agad si baby Austin—en caul o nakabalot pa sa amniotic sac at mismong si Coleen umano ang sumalo sa sanggol.

“In just two quick, silent, and surprisingly painless pushes, he was born… Everyone in the room completely shookt,” ani Coleen.

Inihayag din ng aktres na ibang-iba ito sa una niyang panganganak, na nagdulot sa kanya noon ng trauma. Ngayon, bagamat hindi nasunod ang kanyang plano, buo pa rin ang pasasalamat niya.

“God carried me through each of those journeys… His plan is always greater than mine,” dagdag ni Coleen.