-- Advertisements --
Hindi apektado ang Palasyo sa lumabas na survey kung saan nangunguna umano si Vice President Sara Duterte sa mga posibleng kandidato sa pagkapangulo sa 2028.
Batay sa resulta ng survey wala sa mga nangungunang pangalan ang kaalyado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, patunay lang ito na naka-concentrate ang Pangulo sa pagtatrabaho at hindi namumulitika.
Giit ni Castro, malayo pa ang eleksyon at mas pinagtutuunan ngayon ng administrasyon ang pagpapatupad ng mga proyekto at programa para matugunan ang pangangailangan ng publiko at mapaunlad ang bansa.