Inihayag ni National Bureau of Investigation Director Atty. Melvin Matibag na dapat mapagtuunan ng pansin ang tinatawag na ‘inappropriate coordinate behavior’ ng mga indibidwal o grupo sa paggamit ng online platforms.
Ayon sa naturang direktor, nararapat itong maimbestigahan o matugunan sapagkat ang mga grupo o pasimuno ay may layon at motibo ng paninira.
Kasabay ang paghayag sa muling paglutang at pagkalat ng lumang audio call recording sa iba’t ibang online platforms ng pakikipagtalo ni Atty. Matibag kay Mel Sabio.
Dito maririnig ang mga pagbabanta pati pagmumura ng direktor na kalauna’y kanya ring hindi itinanggi bagkus inamin may katotohanan sa isinagawang pulong balitaan.
Subalit sa kasalukuyan, ibinahagi ng kanyang nakaalitan na sila’y nagkapatawaran na at magkaibigan pa sa kabila ng naganap na insidente.
Paliwanag naman ni Mel Sabio, nakaalitan ni Atty. Matibag, ang kumakalat ngayong video nila ng pagtatalo ay mula pa noong taon 2020 nangyari.
Aniya’y posibleng ang muling paglutang nito sa publiko o iba’t ibang online platforms ay marahil dahil sa tangkang siraan ang pagkakakilanlan sa kanyang kaibigan bilang direktor ng kawanihan.
Bagama’t aminado si NBI Dir. Matibag na ang pangyayari’y masasabing isa sa mga ‘weak point’ ng kanyang buhay, giit niya’y handa siya sakali man gamitin ito laban sa kanya.
Hindi aniya’y maiiwasan na mayroon mga grupo na nais itong pakinabangan para lamang itulak o matupad ang gusto nilang mangyari.
Habang pinasalamatan naman ng direktor ang mga kawani ng ahensiya sa patuloy nitong pagsuporta sa mga ginagawa nito sa kanyang pamumuno ng kawanihan.















