VP Sara, sinisi si PBBM sa paglobo ng utang at pagtaas ng unemployment
Sinisi ni Vice President Sara duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang administrasyon nito sa umano’y pagtaas ng utang ng bansa at dami ng mga Pilipinong walang trabaho.
Sinabi ni Duterte na hindi umano nakatutok sa trabaho ang administrasyon kaya patuloy na lumalaki ang utang ng gobyerno at tumataas ang unemployment rate.
Gayunman, ipinaliwanag ng Bureau of Treasury na ang pag-akyat ng utang ng bansa sa p18.49 trillion noong Marso ay pangunahing dulot ng paghina ng piso kontra dolyar at epekto ng foreign exchange movement sa utang panlabas ng bansa.
Samantala, ayon naman sa Philippine Statistics Authority, nanatili sa 5 porsyento ang unemployment rate noong Narso, bahagyang mas mababa kumpara sa 5.1 porsyento noong pebrero, bunsod ng seasonal changes sa employment matapos ang holiday hiring period. (report by Bombo Jai)
















