-- Advertisements --

Ikinukonsidera si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan bilang impeachment manager sakaling umusad sa Senado ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson.

Sinabi ni Lacson na dahil abogado si Pangilinan, maaari nitong gabayan ang mga isyu sa batas at tumulong sa maayos na daloy ng posibleng paglilitis sa Senado.

Ayon pa sa kanya, napag-usapan na rin ito nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Majority Leader Juan Miguel Zubiri, kung saan positibo umano ang pagtanggap sa ideya.

Giit ni Lacson, mahalaga ang pagkakaroon ng isang legal expert bilang impeachment manager upang masigurong maayos ang proseso sa Senate impeachment court.

Samantala, tiniyak ng Senado na handa itong tumanggap at dinggin ang Articles of Impeachment na nagmula sa Kamara kung matutuloy ang kaso.(report by Bombo Jai)