Ipinaliwanag ng Palasyo ng Malakanyang kung bakit hindi nabigyan ng budget o zero budget ang AKAP sa 2026 proposed national budget.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, batay sa naging pahayag ng Department of Budget and Management (DBM) na may natitira pang pondo at hindi pa nagagastos lahat ang budget na inilaan sa AKAP nitong fiscal year 2025.
Sinabi ni Castro nasa P13 billion pa lamang ang nagagastos mula sa kabuuang P26 billion na pondo.
Sa ngayon may natitira pang kalahati o nasa P13 billion pa ang natitirang pondo para sa nasabing programa.
Binigyang-diin ni Castro na may karapat dapat pa na mga programa na kailangang pondohan.
Sa AKAP mga minimum-wage earners ang beneficiaries.
Naging kontrobersiyal ang AKAP dahil sa alegasyong mayruong political manipulation.
Ayon sa mga kritiko ang nasabing programa ay ginagamit ng mga pulitiko para makakuha ng political loyalties.
Sa kabilang dako, mariin namang itinanggi ng DSWD na ang AKAP funds ay isang pork barrel ng mga kongresista.