Napatay ng mga kapulisan ang isang lalaki na nanaksak ng ilang mga katao sa London.

Itinuturing ng mga Metropolice na ang insidente sa Streatham, south London ay isang uri ng terorismo.

-- Advertisement --

Agad namang isinara ng mga otoridad ang lugar matapos ang insidente.

Sinabi naman ni London Mayor Sadiq Khan nais ng terorista na sila ay paghiwalayin at sirain ang kanilang pamumuhay.

Pinasalamatan naman ni British Prime Minister Boris Johnson ang mga rumespondeng kapulisan sa insidente.