-- Advertisements --

Opisyal na nasa listahan ng 2025 Wimbledon Championship sa London si Pinay tennis star Alex Eala.

Ito na ang pangalawang grand slam main draw appearance ni Eala ngayong taon.

Makikita sa listahan ng Womens’ Tennis Association ang pangalan ng ranked 77 na si Eala na tiyak ang paglalaro sa pinaka-prestisyosong grass court tournament sa mundo.

Ang official draw kung saan malalaman ang makakalaban ni Eala ay sa darating na Hunyo 27 ito ay tatlong araw bago ang pagsisimula ng ikatlong grand slam tournament ngayong taon.

Ang mga manlalaro na kabilang ay maaaring makapasok bilang seeded sa main draw, wild card o sa pamamagitan ng qualifying.

Magugunitang noong Mayo ay unang sumabak si Eala sa French Open na ito ang kauna-unahan niyang grand slam kung saan nabigo siya sa first round.