-- Advertisements --
Dumating na sa Japan si Pinay tennis star Alex Eala para sa paglahok nito sa 20th Asian Games.
Sinalubong siya ng mga delegasyon ng bansa sa pangunguna ni Philippine Olympic Committee President Abraham Tolentino.
Ayon sa 21-anyos na si Eala na ikinararangal niya ang maging representative ng Pilipinas para sa Asian Games.
Ang ranked number 18 na si Eala ay nakakuha ng first round bye bilang top-seed ng women’s single tennis event.
Makakaharap niya ang sinumang mananalo sa pagitan nina Patcharin Cheapchandej ng Thailand at Qureshi Mahin Aftab ng Pakistan.
Bukod sa women’s single ay maglalaro din siya sa doubles na makakasama niya si Shaira Rivera ng University of Alabama kung saan makakaharap nila sina Kallista Liu at Ching Laam La ng Hong Kong.
















