-- Advertisements --

Natagpuan na ng mga otoridad ang isa sa dalawang flight data recorder o blackbox ng bumagsak na Air India passenger plane.

Ayon sa civil aviation minister, nakita nila ang blackbox sa may crash site sa Ahmedabad.

Patuloy din nila hinahanap ang isa pang blackbox sa nasabing lugar.

Personal naman na binisita ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang lugar kung saan bumagsak ang eroplano.

Sinimulan na rin ng mga imbestigador mula sa United kingdom at US ang kanilang pasisiyasat para malaman ang naging sanhi ng aksidente.

Nagsagawa naman ng pagsisindi ng kandila ang mga residente malapit sa lugar bilang pakikipagsimpatiya sa mga biktima.

Aabot sa walong katao ang nasawi sa lugar kung saan bumagsak ang eroplano habang ibinigay na sa pamilya ng mga biktima ang anim na bangkay matapos na makilala ito ng kanilang kaanak.

Magugunitang bigla na lamang bumagsak ang Air India ilang minuto matapos na ito ay mag-take off patungo sa London.

Sa 242 na lulang ng eroplano ay isa lamang ang nakaligtas na isang Briton na si Vishwashkumar Ramesh.