Kinumpirma na ng Air India na 241 katao na ang nasawi at isa lamang ang nakaligtas mula sa bumagsak na pampasaherong eroplano nila na patungo sa London.
Ang eroplano kasi ay mayroong sakay na 169 na Indian nationals, 53 Britons, pitong Portuguese nationals at isang Canadian.
Tanging ang Briton na si Vishwashkumar Ramesh ang nakaligtas kung saan matapos na marinig umano ang pagsabog sa makina ng eroplano ay agad itong tumalon sa exit door.
Kasamang nasawi si Vijay Rupani angdating chief minister ng bayan ng Gujarat.
Ang 68-anyos na si Rupari ay nahalal sa puwesto mula 2016 hanggang 2021.
Natapos na rin ng India ang rescue operations sa lugar kung saan ang isang nakaligtas ay kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan.
Maliban dito, nasa 50 naman ang nadamay sa binagsakan ng eroplano kaya sa kabuuan ang 291 ang casualties.
Hinahanap na ng mga otoridad ang blackbox ng Air India Flight 171 para malaman kung ano ang naging dahilan ng pagbagsak.
Aabot naman sa 50 mga medical students ang sugatan matapos na mabagsakan ng Air India na isang Boeing 787-8 Dreamliner ang gusali kung saan sila naninirahan.
Nagtungo na rin sa India ang mga eksperto mula sa US at United Kingdom para tumulong sa imbestigasyon sa insidente.
Tiniyak naman ng airline company na Air India na kanilang bibigyan ng tulong ang mga biktima kung saan bawat isa ay makakatanggap ng naa mahigit P6.5 milyon.
Magugunitang hindi pa nakakalayo mula ng lumipad ang Air India ay bumagsak na ito sa residential area malapit sa Ahmedabad airport.