Pumanaw na ang lead singer ng rock band na 3 Doors Down nasi Brad Arnold sa edad na 47.
Kinumpirma ng banda sa kanilang social media account ang pagpanaw ng singer dahil sa ilang taong pakikipaglaban sa cancer.
Nabuo ang grupo noong 1995 sa Mississippi kung saan matapos ang apat na taon ay nominado sa Grammy Awards ang kanilang hitsong na “Kryptonite”.
Sinulat ni Arnold ang nasabing kanta noong ito 15-anyos pa lamang siya sa math class.
Ang kanilang kauna-unahang album na “The Better Life” ay nakabenta ng mahigit 6 milyon na kopya.
Nakakuha rin sila ng ikalawang Grammy nomination sa kanta nilang “When I’m Gone” noong 2003.
Naglabas sila ng ika-anim na albums na “US And The Night” noong 2016 kung saan kasama ang mga kantang “Loser”, “Duck and Run” at “Be Like That” na ginamit sa pelikulang “American Pie 2”.













