-- Advertisements --
Ibinahagi ng komedyanteng si Ate Gay na may malaking tulong si Heart Evangelista sa kaniyang paglaban sa sakit na cancer.
Sinabi nito na mismo ang tinaguriang Global Fashion Icon ang siyang nagsusuporta sa kaniyang gastusin araw-araw.
Nakikita na niya noon ang aktres na kumakain sa pinagtatrabahuan ng komedyante na restaurant.
Nailapit sa kaniya ang aktres ng tawagan ng assistant ni Heart ang manager nitong si Allan K.
Dagag pa ni Ate Gay na kada buwan ay binibiyayayan siya ni Heart.
Inalok pa siya ni Heart na kung maari ay magpagamot sa Singapore.
May ilang personalidad din ang nagbigay ng tulong sa kaniya gaya nina Mark Lapid, Coco Martin, Lito Lapid , Allan K at maraming iba pa.
















