-- Advertisements --

Mangunguna si Cardinal Luis Antonio Tagle sa gaganaping Misa sa St. Peter’s Square sa Vatican ngayong Miyerkules, Oktubre 14, habang nagpapagaling si Pope Leo XIV mula sa kaniyang operasyon sa dibdib.

Ipinagkatiwala ng Catholic pontif ang naturang tungkulin kay Tagle, na naglilingkod bilang Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization at kamakailan ay naitala bilang Dean ng College of Cardinals.

Isinailalim si Pope Leo XIV sa thoracic surgery upang alisin ang isang nodule sa kaniyang kanang baga.

Kumpirmado rin ng mga doktor na ang naging diagnosis kay Pope ay lung adenocarcinoma, na isang karaniwang uri ng lung cancer.

Patuloy naman ang panalangin at pagsubaybay ng Simbahang Katolika sa kalusugan ng lider habang ipinagpapatuloy ng Vatican ang mga nakatakdang aktibidad nito.