-- Advertisements --
Pumanaw na ang Hollywood actress na si Dee Freeman sa edad na 66.
Kinumpirma ng kaniyang publicist na si Desirai Benson ang pagpanaw ng aktres dahil sa stage 4 lung cancer.
Ang Louisiana born actress ay bumida sa tatlong episodes ng “The Young and the Restless” noong 1997 at 2009.
Kasama rin siya sa palabas na “Sistas” noong Enero at ang satirical parody show na “Pretty the Series” mula 2010 at 2015.
Bukod pa dito ay kasama siya sa ilang mga tv shows gaya ng “Seinfield”, “The X-Files”, “Dexter”, “Shameless” , “The Hughleys”, “NCIS: Los Angeles” at ilan pa.
Nagsimula siya sa paggawa ng pelikula matapos ang paninilbihan niya sa United States marine Corps kung saan ang unang TV role niya ay ang series na “Coach” noong 1995.














