-- Advertisements --

Nanawagan ang Philippine Red Cross (PRC) sa publiko na simulan ang bagong taon sa pamamagitan ng pagbibigay ng dugo upang mabigyan ng panibagong pag-asa ang mga pasyente.

Ayon sa PRC, bagama’t tapos na ang kapaskuhan, nananatiling mataas ang pangangailangan ng dugo para sa mga operasyon, panganganak, at gamutan sa cancer at dialysis.

Karaniwang bumababa ang bilang ng mga donor tuwing at pagkatapos ng holidays, kaya’t tinatawag itong “lean months” para sa blood supply.

Binigyang-diin ni PRC Chairman Richard Gordon na ang pagbibigay ng dugo ay simpleng gawa ng malasakit na maaaring magligtas ng buhay.

Idinagdag naman ni PRC Secretary General Dr. Gwen Pang na ang mga walk-in donors ay mahalaga lalo na sa panahong kakaunti ang mobile blood drives.

Sa kasalukuyan, may 110 blood service facilities ang PRC sa buong bansa na handang tumanggap ng mga donor mula edad 16 hanggang 65.