-- Advertisements --
Ibinahagi ni King Charles ang update ng kaniyang gamutan sa cancer nito.
Sa inilabas nitong video message ay naging epektibo ang maagang pag-detect ng cancer.
Dahil dito ay nagpasya ang doctor na bawasan ang gamutan niya sa susunod na taon.
Itinuturing nito na isang milagro ang pangyayari at patunay na nakakatulong ang mga makabagong gamutan ngayon.
Magugunitang noong Pebrero 2024 na ibunyag niya na siya ay nadiagnosed ng isang uri ng cancer na hindi na nito binanggit.
















