-- Advertisements --
Muling itinakbo sa pagamutan ang komediyanteng si Ate Gay.
Sa kaniyang social media ay nakaranas umano ito ng side effects ng kaniyang chemotherapy mula sa kaniyang mucoepidermoid carcinoma.
Ang nasabing side effects ay lumutang ilang linggo matapos ang chemotherapy kaya kinailangan na i-admit ito dahil sa hindi ito makakain bunsod ng kaniyang mouth ulcer.
Makikita sa kaniyang larawan na ibinahagi ay makikitang nakaratay ito sa kama ng Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City.















