-- Advertisements --

Nasa 204 na bangkay ang narekober matapos ang pagbagsak ng pampasaherong eroplano sa Ahmedabad, western India.

Ayon sa mga otoridad ng India na isang pasahero ang nakaligtas sa kabuuang 242 katao na nakasakay sa Air India na patungo sa London.

Mayroong kabuuang 169 na Indian nationals, 53 Britons, pitong Portuguese nationals at isang Canadian ang lulan ng nasabing eroplano na isang Boeing 787-8 Dreamliner.

Patungo na sa India ang mga US Investigators para tumulong sa imbestigasyon.

Habang tiniyak naman ng Airline companies na hindi nila hahayaan ang mga biktima.

Magugunitang patungo sa London ang eroplano ng ito ay bumagsak ilang minuto matapos ang take-off tumama ito sa isang gusali kung saan nakatira ang mga doctors sa Ahmedabad, India.