-- Advertisements --

Nanatili sa 0.4% ang case fatality rate ng dengue sa Pilipinas, o katumbas ng 4 na nasasawi sa bawat 1,000 kaso, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay DOH Spokesperson Albert Domingo, layunin din ng ahensya na tuluyang wakasan ang mga nasasawi dahil sa dengue, kasunod ng pagtaas ng mga kaso noong nakaraang taon.

Batay sa datos ng ahensya, Enero hanggang buwan ng Marso 2025, nakapagtala ang bansa ng 62,313 dengue cases kung saan 73% na mas mataas kaysa sa parehong panahon noong 2024.

Pinakamataas ang bilang sa mga rehiyon ng Calabarzon, NCR, at Central Luzon.

Bumaba naman ang case fatality rate sa 0.35% ngayong taon mula 0.42% noong 2024.

Ibinabala naman ng DOH na agad kumonsulta sa doktor kapag lumabas ang unang senyales ng dengue.

Karamihan aniya kasi sa mga nasasawi ay hindi agad nabibigyan ng tamang lunas. Mahalaga rin umano ang hydration o pagbibigay ng suwero sa mga pasyente.

Samantala, nilinaw naman ni Domingo na hindi maaapektuhan ang serbisyo ng PhilHealth sa kabila ng isinasagawang restructuring sa ahensya.