-- Advertisements --

Naglabas ng advisory ang United Kingdom government sa kanilang mga mamamayan na iwasan ang pagbiyahe sa Israel.

Kasunod ito sa patuloy na tensiyon at palitan ng rockets ng Israel at Iran.

Ayon sa Foreign, Commonwealth and Development Office na tumitindi na ang tensyon sa dalawang bansa at ito ay maaring magtagal pa.

Pinayuhan nila ang mga mamamayan nila na nasa Israel na sundin ang anumang utos sa kanila ng gobyerno para sa kanilang kaligtasan.

Pinagbawalan din nila ang mga mamamayan na huwag ng bumiyahe patungong Iran dahil sa nasabing kaguluhan.