-- Advertisements --

Kinumpirma ngayon ng singer na si Dua Lipa na ito ay engaged na sa actor na si Callum Turner.

Sinabi ng 29-anyos na singer na kakaiba ang naramdaman niya sa mahigit isang taon na relasyon niya sa 35-ansyo na British actor.

Malaki ang hinala ng mga fans na noong pang Disyembre ang engagement ng dalawa dahil sa nakita ang singer na mayroon suot itong kakaibang singsing.

Nakilala ang actor sa ilang mga pelikula gaya ng “Fantastic Beasts” at “Masters of the Air”.