Isinara ng Vatican sa mga turista ang St. Peter’s Square at St. Peter’s Basilca dahil sa banta ng coronavirus.

Ayon sa Vatican, na magiging bukas lamang ang basilica para sa mga mananampalataya.

Kabilang sa isasara ang kanilang post office sa Vatican square na pinupuntahan ng mga turista ganun din ang mga bookstore at photo service.

Maging ang cafeteria sa loob ng Vatican para sa mga empleyado ay sarado.

Magiging epektibo ang nasabing kautusan hanggang Abril 3.